Wednesday, 4 December 2019


SOGIE BILL



 Ang kawalan ng wastong kaalaman ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan. Karamihan sa ating mga kababayan ang hindi pa rin lubos na nauunawaan ang SOGIE bill o Sexual Orientation, Gender Identity Expression bill. Para lubos pa nating maintindihan ito, narito ang mas detalyadong pag-uulat sa kung ano talaga ang SOGIE bill at kung ano ang nakapaloob dito.

   Ang SOGIE bill ay isang anti-discrimination bill na ipinagdudumili ang hindi pantay na pagtrato sa isang tao batay sa kanyang sexual orientation, gender identity expression o SOGIE. Hindi nakasaad sa bill na ang pagtatalaga ng kasarian sa mga bagong silang na sanggol ay mapaparusahan ng batas o legal na ang same sex marriage. Hindi rin dito nakasaad na makakasuhan ang taong mangiinsulto sa mga myembro ng LGBTQ+, maliban na lamang kung iniinsulto at hinaharas ang tao dahil sa kanyang SOGIE.

   Sa halip, nais isulong ng SOGIE bill ang pantay na karapatan ng mga LGBTQ+ sa karapatang pantao mga serbisyong publiko. Mithiin ng bill na ito ang mapigilan ang mga sumusunod na akto ng diskriminasyon laban sa isang tao dahil sa kanyang SOGIE:

"Inflicting stigma using media, textbooks, and other platforms

Denying access to health and public services

Denying the application for professional licenses and similar documents

Denying use and access to  establishments, facilities, and services open to the general public

Including SOGIE as a criteria for hiring or dimissal of workers

Refusing admission or expelling students in school based on SOGIE

Imposing harsher than customary disciplinary actions due to the student's SOGIE

Refusing or revoking accreditation of organizations based on the SOGIE of members

Forcing a person to undertake any medical or psychological examination to determine or alter one's SOGIE

Publishing information intended to "out" or reveal the SOGIE of a persong without consent

Subjecting any person to profiling, detention, or verbal or physical harrasment on the basis of SOGIE

Preventing children under parental authority from expressing their SOGIE

 Subjecting any persong to any analogous acts that will impair or nullify a person's human rights and fundamental freedoms"

   Ang penalidad sa kung sino mang gagawa ng mga aktong nakasaad sa itaas ay magbabayad ng hindi bababa sa P100,000 hangang P500,000 at/o makukulong ng hindi baba sa anim na buwan at hindi lalampas sa labindalawang taon, depende sa kanyang nagawa.



Reperensiya: Rappler.com

Kaalaman ay Kapangyarihan


 Kaalaman ay Kapangyarihan

Ang kaalaman ay isang kayamanan nakahit kailan manay hindi mananakaw ng ibang tao. Napakahalaga ng edukasyon sa atin sapagkat ito ay ating instumento tungo sa isang matagumpay na buhay. Sa poster sa itaas makikita niyo ang isang malaking kamao na naglalarawan ng lakas o kapangyarihan. Meron ding isang imahe ng tao na tila bumbilya nag naglalarawan ng kaalaman ng isang tao. Pinili ko amg mga katagang "Kaalaman ay Kapangyarihan" dahil gusto kong bigyang pansin ang kahalagahan ng kaalaman sa ating buhay. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao- ng buhaymo. At hindi lamang ang iyong buhay kundi ang buhay rin ng mga nakapaligid sa inyo. Ang kaalaman ay nagiging dahilan ng tagumpay ng isang bayan, gayun din ang pagbagsak nito. Kaya naman mainam na gamitin natin ang ating kaalaman sa kapakipakinabang na paraan. Sa huli, nasa ating mga kamay ang desisyong ito.