Kaalaman ay Kapangyarihan
Ang kaalaman ay isang kayamanan nakahit kailan manay hindi mananakaw ng ibang tao. Napakahalaga ng edukasyon sa atin sapagkat ito ay ating instumento tungo sa isang matagumpay na buhay. Sa poster sa itaas makikita niyo ang isang malaking kamao na naglalarawan ng lakas o kapangyarihan. Meron ding isang imahe ng tao na tila bumbilya nag naglalarawan ng kaalaman ng isang tao. Pinili ko amg mga katagang "Kaalaman ay Kapangyarihan" dahil gusto kong bigyang pansin ang kahalagahan ng kaalaman sa ating buhay. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao- ng buhaymo. At hindi lamang ang iyong buhay kundi ang buhay rin ng mga nakapaligid sa inyo. Ang kaalaman ay nagiging dahilan ng tagumpay ng isang bayan, gayun din ang pagbagsak nito. Kaya naman mainam na gamitin natin ang ating kaalaman sa kapakipakinabang na paraan. Sa huli, nasa ating mga kamay ang desisyong ito.
No comments:
Post a Comment